Playboy na Magasin sa Pilipinas

August 17, 2008

Nakapagbasa ka na ba ng mahalay na babasahin?

Maaaring sa dahilang nakapagbasa kay ay nakapulot ka, nakabili, nakahiram, nakahingi, o nabigyan. Pero ano ang magiging reaksyon mo kung ang magbibigay sayo nito at hihikayat pang bumasa ay isang relihiyon? Isang relihiyon na nagsasabing naniniwala sila sa Dios at kay Kristo. Isang relihiyong nagaanyaya sa inyo na magbalik loob sa saway at aral ng Dios. Ano ang magiging reaksyon mo kung ang mismong kamay na nagaabot sayo ng komiks na punong-puno ng kahalayan at kababuyan ay isang ministro ng Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo?


Inaanyayahan ko kayo na inyong basahin ang mga susunod na artikulo.

Mayruong mga nagkalat na mga komiks na mahahalay na ang layon ay siraan si Bro. Eli Soriano ng programang Ang Dating Daan. Hindi kataka taka dahil ang layon ng mga masasamang tao sa isang mabuting mangangaral ng salita ng Dios ay ang kasiraan niya at kahihiyan. Gaya ng nangyari sa propetang si Jeremias nuong kanyang panahon ng pangangaral…

Jer 18:18 Nang magkagayo’y sinabi nila, Kayo’y magsiparito, at tayo’y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka’t ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo’y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.

Si propeta Jeremias ay mangangaral na sa Dios. Maraming naniniwala sa kanya bilang isang propeta. Ngunit kaalinsabay din nito ay ang mga masasamang tao na hindi siya kinikilala at ang layon pa ay pasamain siya sa mga taong nais magbalik loob sa Dios.

Ito ang trabaho ng Iglesia ni Manalo. Samahang itinatag ni Felix Manalo, isang lider na punong puno ng kontrobersiya sa kanyang pagkatao. Maraming mga dating kaanib sa samahang ito ang mga saksi sa kabayuktutan ni Felix Manalo nuong siya ay nabubuhay pa. Isa na dito ang isa sa mga dating ministro nila na si Kapatid na Nicolas Perez. Igmidio Zabala (dati ding ministro), at Romy Español (isa ding dating pastor). Hindi katakatakang maitawid niya ito sa kanyang sariling anak na si Eraño Manalo at lahat ng mga Manalo na magpapatuloy sa madilim at matinik na landas na itinatag ng kanilang tatay na si Felix.

Hindi katakataka.

(itutuloy…)

Advertisement

One Response to “Playboy na Magasin sa Pilipinas”

  1. liar ka Says:

    hahahahaha..alam mo sa mga nabasa kong mga pahayag mo, natatawa ako..saan ka ba kampi??kay bro.Eli di ba??siyempre bilang kakampi, ipagtatanggol mo siya..at nasabi mo na rin na masama ang naninira di ba??ano bang ginagawa mo ngayon ha??hindi ba paninira ang ginagawa mo sa mga Iglesia Ni Cristo?? ikaw na rin ang nagsabi na si bro.Eli Soriano ay parang si jeremias.,eh sa kalagayang ito,parang naglabas na naging ang mga iglesia ni cristo ang si jeremias..oh kita mo,huli ka agad..use your brain naman..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.