Taguan
April 25, 2009
Noong bata pa ako, mahilig ako sa larong taguan. Bukod sa dala-dalang excitement nang larong ito para sa mga bata, naituturo din ng larong ito ay ang pagiging maabilidad.
Papaano?
Una, upang huwag kang makita ng taya, ay kinakailangan kang magtatago sa mga lugar na mahirap niyang makita o mapansin. Pangalawa, kahit man nasa isang dako ka na maaari niyang makita, kumukuha ka ng tiempo na makatakbo at mauna sa kanya papunta sa base. Nakakatuwang maalala ang mga yugto na iyon sa aking kabataan…
Pero ganun pa man, ang isa sa mga hindi ko naranasan sa taguan ay magkaroon ng kalaro na nagtago at hindi na lumabas. At kahit malaman nang mga kalaro niya at nang magulang niya ang dako na kanyang pinagtataguan ay hindi pa din lalabas sa tawag nang mga taong nagaalala para sa kanya. Walang matinong bata na magkukulong ng habambuhay sa kanyang dako na pinagtataguan.
Pero ang “ironic”, may matanda na kayang magtago nang habambuhay. At ang masakit pa, isa siyang pastor ng kaniyang relihiyon. At kahit palabasin na ni Bro. Eli Soriano ay pilit pa ding nakakapit nang mahigpit sa kaniyang lungga sa takot na mabuking ang kanyang pagiging bulaan…
Gusto niyo bang malaman kung sino? Panoorin niyo na lang ang video…