Nawawalang Pastor
August 17, 2008
Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu’t siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito’y kaniyang masumpungan?
LUCAS 15:4
Ang isang mabuting pastor ay hahanapin ang kaniyang isang nawawalang tupa. Pero papaano kung ang pastor ang nawawala? Gaanong hirap para sa mga tupa na hanapin ang kanilang pastor?
Ito ang nangyari sa samahang itinatag ni Felix Manalo, lider ng Iglesia ni Cristo. Nang kanyang iwan ang kaniyang mga miyembro sa gitna ng isang magulong sitwasyon sa Pilipinas.
Nawa’y ituloy niyo lamang ang pagbabasa at malaman ang buong pangyayari.
Nuong mga dekada ’40. Dumaong at lumusob sa bansang Pilipinas ang napakaraming sundalong Hapon upang sakupin ito at kamkamin ang maraming kayamanan at ang pamamahala nang sa gayon ay maghari sila sa buong mundo. Hindi siguro masasabi lamang ng salita ang salimuot at hirap ng ating mga kababayan sa panahong yaon. Magmula sa mapangaping lahi ng mga hapon ay sari saring kaapihan ang dinanas ng bansang Pilipinas. At ito ay bahagya nating masasaksihan sa mga istorya ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Sa gitna nang kaguluhang ito, patuloy na nagrerelihiyon ang mga Pilipino. At umaasang hindi sila pababayaan ng kanilang mga lider sa kabalisaha at pangambang naidudulot ng presensiya ng mga Hapon. Siguro, masasaksihan mo ang isang lalakeng maaga pa lang ay gumayak na at lumakad papunta sa kapilya para dumalo. Sa pagaakalang hindi siya mawawalan ng pagasa sa dahilang hindi sila pababayaan ng lider nila ay naghahanda ng maitutulong na salapi upang sa gayon ay maisustine niya sa maaaring maging mga gastusin ng kanilang samahan sa panahong lubos na kakailangan nila ng pangtakip sa maraming mga pangangailangan. Sa kanyang pagupo ay nakita niya ang kanyang mga kasamang miyembro sa kanilang lokal at walang kumikibo. Sa gayon ay dahan dahang lumapit ang isang ministro ng kanilang samahan sa pulpito. Tahimik ang kapaligiran. Tahimik ang buong silid. At kaalinsabay nito ang malalim na pagiisip ng ministro habang pilit na pinipigil ang luhang nalilingid sa kanyang mga mata. Sa mga pagkakataong ito, nakaramdam ng kaba ang mga kaanib nang kanilang samahan at nagtatanong ng malalim sa kanilang puso kung ano ang nasasaloobin ng kanilang ministro. Bago pa man sila nagkaroon ng lakas ng loob na magtanung ay naunahan na sila ng pagsasalita ng ministro.
“Mga kapatid” banggit ng ministro.
“Iniwan na tayo ni ka Felix, at ibinigay na niya ang pamamahala kay Prudencio Vasquez, ito daw ang gusto ng hapon!”

Ito ang gusto ng HAPON!
Ano ang iyong magiging reaksyon mo sa isang duwag na lider? Sa mga pangyayaring ito, maraming mga miyembro ng Iglesia ni Manalo ang nagduda sa pagkalalake at paninindigan ng kanilang lider. At hanggang sa mga panahong ito ay umaalingawngaw sa mga babasahin at usap-usapan ang karuwagang inilantad ni Felix Manalo nuong panahong dapat siyang nanindigan sa kaniyang itinatag na relihiyon. Na kung maaari ay maibuwis niya pa ang kaniyang buhay. Pero dahil hindi siya totoong mangangaral na sa Dios, wala tayong puedeng asahan sa kanyang paninindigan. Si Apostol Pablo ay hindi mo maihahalintulad kay Felix Manalo. Isa sa mga katagang sinabi ni Pablo ay mababasa sa Gawa 21:13
Nang magkagayo’y sumagot si Pablo, Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka’t ako’y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Saan sa mga pangungusap na ito nalapit si Felix Manalo? Saan? Isang sagot lamang ang maaaring maisip natin at maging saloobin. Wala.
Ito din ang minana ng kanyang anak…
(Itutuloy, humanda kayo)